"I used to think that the years would go by in order, that you get older one year at a time... But it's not like that. It happens overnight." - Haruki Murakami, "Dance Dance Dance"

Home » Post Item » Tatlong Daan sa Isang Daan

Tatlong Daan sa Isang Daan

August 7, 2008

Sa sulok, nagsisiksikan ang mga alikabok. Makakapal na agiw ang disenyo
ng kisameng kulay-lupa ang pagkaputi.
Bakbak ang pintura ng pintuang saksi
sa lahat-lahat –
ang mga sikretong pinapasa-pasa,
ang maiigting na talastasan,
palitan ng kaalaman,
ang paglakas at paghina ng damdaming
makabayan.

Dito kung saan
tanging ang paglamon ng anay
sa likod ng mga kahoy na pader
ang nanatiling buhay.
Ang iba, sumusuko na at
nangamamatay.

Kaya maitatanong ang ganito:
Ito na ba ang pangako ninyong pagkabuhay,
ang muling pagsigla,
matapos ang higit tatlong daang
porsiyentong
inyong pinapasan?

Marahil, maalikabok na rin
ang inyong utak.
At sadyang bakbak na
ang inyong pagkatao.
Oo nga’t kitang-kita,
kulay-lupa na rin
ang pagkaputi
ng inyong dangal
at puri.

Posted by labasngkahon at 5:08 pm | permalink

Previous Comments

Mahusay ang paghabi ng iyong balintataw.
Parehong kulay ng dugo ba ang nanalaytay sa atin. Ito ang puso ng damdaming kayumanggi.

Posted by Kulisap at October 25, 2008, 5:16 pm

Ate/Kuya, ako po si Mark, nakita ko po ang inyong mga gawang tula, itatanong ko lang po sana kung pwede pong payagang makahingi ng kahit isa lang po sa mga tula ninyo? kailangan ko po kasi sa term paper… ayun po.

Maraming salamat po.

Posted by Mark Nazarene Detera at November 25, 2008, 6:55 pm

Add a comment